Dumarami ang bilang ng kaso ng?
Tigdas, Leptospirosis, Dengue, Cholera
Dulot ng Climate Change.
Tigdas -
- Ang measles virus ay higit na nabubuhay sa mababang temperatura.
- Pagsasama-sama ng maraming tao sa evacuation centers ay pinapaboran ang mabilis na pagkalat ng tigdas.
- Pagbaba ng resistensya ng mga bata dahil sa kakulangan ng sustansya at kawalan ng kaukulang maginhawang pamumuhay sa evacuation centers.
Leptospirosis -
- Maraming bahang lugar.
- Inaabot ng baha ang pinamumugaran ng mga daga.
- Hindi maiwasang paglusong sa baha ng mga tao upang maisagawa ang kanilang pang araw-araw na gawain.
Paggamot ng Leptospirosis -
- Maggamot ayon sa payo ng duktor.
- Maagang pagtuklas at agarang gamutan upang maiwasan ang kumplikasyon.
Dengue -
- Pag-ipon ng tubig ulan na maaaring pangitlugan ng lamok
- pag-init ng panahon sang-ayon sa agarang pagpisa ng itlog, pagiging kiti-kiti at ganap na lamok.
Cholera -
- Kontaminasyon ng tubig sanhi ng baha.
- Mabilis na pagdami ng langaw at iba pang insekto dahil sa marumi at basang lugar na may nabubulok na bagay kung saan maaaring mangitlog ang mga ito.
- Pagdami ng hindi nakokolektang basura.
- Hindi wastong pagtatapon ng dumi ng tao lalo na kung malawakan ang pagbaha.
Agarang Paggamot:
- Palitan ang nawalang tubig ng katawan sa pag-inom ng Oral Rehydration Solution (ORESOL) o ng solusyon na gawa sa pinaghalong isang kutsaritang asin, apat na kutsaritang asukal, at isang litrong tubig.
- Kung hindi pa rin tumitigil ang pagtatae, kumunsulta sa health workers o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Ano ang ANTIBIOTIKO?
Ang antibiotiko ay isang klase ng gamot
na ginagamit sa ilang mga impeksyon na
santhi ng mga bacteria.
- Ang mga sumusunod ay halimbawa ng antibiotiko:
- Amoxicillin - Co-trimoxazole
- Penicillin G - Chloramphenicol
- Phenoxymethylpenicillin - Isoniazid
- Cefalexin - Rifampicin
- Erythromycin - Pyrazinamidel
- Tetracycline - Ethambutol
Ano ang mga sakit na maaring gamutin ng Antibiotiko?
- Ang antibiotiko ay kailangan sa mga impeksyon na ang sanhi ay bacteria katulad ng mga
sumusunod:
- Pulmonya - Tonsilitis
- Bronkitis - Tipus o Typhoid Fever
- TB - UTI o impeksyon sa ihi
- " Mga ankop na antibiotiko para sa bawat sakit na nakalista sa itaas. Sundin ang payo ng doktor."
Ang antibiotiko ay hindi kailangan sa mga impeksyon na sanhi ng virus gaya ng:
- Trankaso - Karaniwang sipo
- Karaniwang ubo - Karaniwang pagtatae
TANDAAN:
Ang antibiotiko ay hindi epektibo sa mga sakit na sanhi ng virus. Huwag gamitin sa trankaso, Karaniwang ibo sipon at pagtatae.
Ano ang mga posibleng side effects ng antibiotiko sa katawan?
1. Pamamantal at pangangati
2. Hirap sa paghinga
3. Lagnat
4. Pagtatae
Kung maramdaman ang alinman sa mga ito, itigil agad ang paggamit ng antibiotiko at kumonsulta sa doktor.
TANDAAN:
Ang antibiotiko ay maaaring magdulot ng mapanganib na side effects.
Gamitin lamang kung inireseta ng doktor.
Ano ang tamang DOSIS, dalas at tagal ng paggamit ng antibiotiko?
-Ang tamang dosis, dalas at tagal mg paggamit ng antibiotiko ay depende sa klase at tindi ng impekyon.
TANDAAN:
Ang maling paggamit ng antibiotiko (hindi kumpleto at iregular na pag-inom) ay maaaring humantong sa pagkakaroon at pagdami ng mas mabagsik na mikrobyo.
Bago mag bigay ng reseta ang doktor ipaalam kaagad kung kayo ay:
-May allergy sa anumang gamot
- May iba pang gamit na iniinom
- Nagpapasuso, buntis o may planong magbuntis
- May iba pang karamdaman tulad ng sakit sa atay o sakit sa bato
Ito ay upang maiwasan ang anumang komplikasyon na maaaring magpalala sa kalagayan ng may sakit.
Pwede ka bang Mamahagi ng Iyong Dugo?
Ang pagbibigay o pamamahagi ng dugo ay napakadali.
Kung ikaw ay:
Ikaw ay maaaring magtungo sa pinakamalapit na pagamutan ng pamahalaan
Doon ay kukuhanan ka ng mga doktor ng:
Kung pumasa ka sa mga physical requirements na ito at sa medical examination, maaari kang magbigay o mamahagi ng iyong dugo.
Magpunta sa pinakamalapit na government hospital upang magbigay ng dugo.

Online posts of BAC, IAEB and Bidding.
Compilation of our City Ordinances. Be informed.
We track our documents through barcode.
Watch our AVPs and other videos in one click.
Photos taken from city events and festivities
City Employees' On-line Exchange Mailbox.
Zoom In & Out with our Marikina Satellite Map












