Lindol    -    Bagyo                                                                                                     
         BAHA
           Pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay               pag-apaw nito sa kapatagan.
           Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-
              ipon ng tubig dahil sa pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan               sa loob ng ilang araw.
          FLASHFLOODS
           Rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahoy, at iba pa.
           Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa.
           Maaaring sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok at pagmimina (kagaya ng dahilan kung               bakit naging mapaminsala ang bagyong Ondoy sa lalawigan ng Rizal).

       Ano ang maaaring gawing paghahanda BAGO ang pagbaha?

  1. Alamin ang warning system at signal sa inyong barangay o munisipyo.
  2. Obserbahan ang sitwasyon ng lugar at makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA.
  3. Pakinggan ang opisyal na warning signal na ibibigay ng kagawad na sumasakop sa sona.
  4. Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng damit, kumot, pagkain, maiinom na tubig, gamot, posporo, kandila, flashlight, radyong de-baterya, banig, at iba pa. Maiging nakabalot ang mga ito sa plastik.
  5. Itago o ilagay sa plastik ang mga mahahalagang dokumento at papeles.
  6. Mag-imbak na ng malinis na inuming tubig.
  7. Siguraduhin na magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda ang bawat isa sa anumang mangyayari.
  8. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at ang pinakamalapit na daan patungo rito.
  9. Maghintay sa warning signal na ibibigay ng kagawad tungkol sa paghahanda sa paglikas at sa mismong paglikas.
  10. Makipag-ugnayan sa nakatalagang kagawad kung nais nang lumikas patungo sa kamag-anak sa ibang barangay upang maitala.
  11. Ang Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC) ay dapat maghanda ng kanilang gamit tulad ng malalaking flashlight, radyong de-baterya, warning device (megaphone, pito, kalembang), mga matitibay na lubid, first aid kit, sasakyang may sapat na gasolina para sa mabilis na paglikas at pakikipag-ugnayan, mga gamit pang-komunikasyon tulad ng cellphone, mga kagamitan tulad ng martilyo, liyabe, wrench, pala, at iba pa.
  12. Kung sa pagtantya ay magtutuluy-tuloy pa ang pagtaas ng tubig ay lumikas na bago pa masira ang mga daan at mga tulay.
  13. Ilipat na ang mga alagang hayop sa mataas na lugar.
  14. Bago lumikas, patayin muna ang kuryente at ikandadong mabuti ang bahay.

      Mga dapat gawin HABANG may baha:

  1. Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito. Huwag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim, gaya ng ilog o sapa.
  2. Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha laluna kung malakas ang agos nito at hindi matantya ang lalim.
  3. Huwag payagang maglaro ang mga bata sa baha. Huwag languyan o tawirin ng bangka ang mga binahang ilog.
  4. Siguraduhing lutung-luto ang mga pagkain at iwasang marumihan ang mga tirang pagkain.
  5. Pakuluan ang tubig bago ito inumin.

      Mga dapat gawin PAGHUPA ng baha:

  1. Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay.
  2. Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog.
  3. Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin. Lutuin muna ng mabuti o pakuluan ito bago kainin o inumin.
  4. Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ng poste at kawad ng kuryente, tubo ng tubig, at iba pa.
  5. Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng kuryenteng nabasa at lahat ng gamit na de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito.
       Lindol    -    Bagyo    

       Source:
ALAGAD Partylist
       Adapted from: CNDR and CARE "Community-Based Disaster Risk Management".        Pagsasanay sa        Disaster Preparedness at Contingency Planning: ACCORD Project 2007.
       
ttp://www.cdp.org.ph/pubs/pdpcp-accord.pdf

E-Services

E-Procurement
Online posts of BAC, IAEB and Bidding.
Virtual Ordinance
Compilation of our City Ordinances. Be informed.
Document Tracker
We track our documents through barcode.
Media Library
Watch our AVPs and other videos in one click.
Photo Gallery
Photos taken from city events and festivities
Webmail
City Employees' On-line Exchange Mailbox.
Map Viewer
Zoom In & Out with our Marikina Satellite Map

  Emergency Hotline
        
    FOR EMERGENCY DIAL
        
   Anti-Carnapping
       724-8809 / 722-4068
   Fire-Department
       646-1631 / 646-1651
   National Poison Control
       524-1078 / 521-8450 loc 2311
       Mobile No. - 0928-7130408
   Police Department
       Chief of Police - 646-1631
       Hotline - 646-1651
   Rodriguez Hospital
       948-1263 / 948-5988
       941-5854 / 941-6338
   Civil Defense Operation Center
       911-506 (earthquakes typhoons and floods)
   Philippine Drug Enforcement
       927-9702 Agency (Camp Crame)
   Station Anti-Illegal Drugs
       646-1624
   Traffic Management Group
       646-1633
   Meralco (emergency 16211)
       16211-8888 (illegal Connection)
   Philippine General Hospital
       521-8450 local 2311
   Emergency 117
   Bantay Bayan 163


All Rights Reserved 2010 - Marikina City Government - Created by MISCC Department