Cityhood Park Fountain, World’s Biggest Shoes Nilinis Din ng City Hall

PIO Department

2018-5-24

Share article on:

Hindi lamang mga kalye, eskinita, ilog, tabi ng ilog, parke at basketball courts ang inaayos at nililinis ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina kundi maging ang mga mahahalagang simbolo lungsod katulad ng Cityhood Park at ang World’s Biggest Shoes.

Nilinis ng mga tauhan ng City Hall ang fountain area na matatagpuan sa Cityhood Park,  ang simbolo ng pagiging masigasig at matatag ng mga Marikenyo sa kabila ng mga pagsubok magmula ng maitatag ang lungsod hanggang sa kasalukuyang panahon.




Hindi rin nakaligtas sa mga kawani ng City Hall ang World’s Largest Shoes na matatagpuan sa Marikina Riverbanks Mall at kanila rin itong nilinis.

Ginawa noong 2002 tanda ng pagiging Shoe Capital of the Philippines ng Marikina, ang pinakamalaking sapatos sa buong mundo ay may 17 feet ang haba at 8 feet ang lapad.

Ang tinaguriang World's  Largest Shoes, na may sertipikasyon mula sa Guiness Book of World Records, ay maaring maisuot ng sabay-sabay ng 30 katao na may normal na sukat ng mga paa.




Ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng Marikina ay isa sa mga prayoridad ni Mayor Marcy Teodoro magmula ng umupo siya bilang Ama ng Lungsod upang maging kaaya-aya ito sa mga pamilyang naninirahan rito at maging sa mga bisita.

Samantala, para maiwasan ang pangangamoy ng paligid, nilinis at binuhusan ng tubig ng mga kawani ng City Hall ang mga men's urinal sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Nagpaalala ang City Hall na tumawag sa 948 1207 upang ireport ang mga mapanghing ihian ng mga lalake at hanapin si Ranz A. Briola.


Share article on: