700 Lumahok sa Marikina Fun Run Para sa Kalikasan

PIO Department

2018-5-21

Share article on:

Matagumpay na naidaos ng tambalang Philippine Business for Social Progress (PBSP) at Pamahalaan Ng Lungsod ng Marikina ang Marikina Watershed Family Fun Run kahapon, Mayo 20, sa Marikina Sports Center.

Sinalihan ng may 700 katao kabilang na ang mga bata at ang buong pamilya mula sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, ang fun run ay binuo ng 3K, 5K, at 10K categories. Lahat sila ay gustong suportahan ang layunin ng event na matamnan ng maraming puno ang Marikina Watershed.

"As a Cainta, Rizal resident and Typhoon Ondoy survivor, this run means a lot to me," ayon kay Franz de la Fuente, isa sa mga sumali sa Fun Run sa kaniyang Facebook post kahapon.





Layon ng proyektong ito na makalikom ng pondo para sa tuloy-tuloy na pagtatanim at pagpapayabong sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape na kilala rin sa tawag na Marikina Watershed. Angpagkakalbo ng bahaging ito ng kabundukan ay isa sa mga sanhi ng mabilis na pagragasa ng tubig ulan at pagbaha sa ibabang bahagi nito tulad ng idinulot ng bagyong Ondoy sa Marikina at karatig-lugar noong 2009.

Ayon sa PBSP, bagamat natamnan na ang 200 ektarya, patuloy pa rin ang ganitong reforestation efforts upang matamnan ang 14,800 ektaryang lupain sa kabundukan na mangangailangan ng 5,880,000 puno.


(For more photos about this event, please check out this link:https://www.facebook.com/Super-Gatbu-200400933624942/

Share article on: