Balik Eskwela Sapatos Fair Pormal na Binuksan ni Mayor Marcy

PIO Department

2018-5-22

Share article on:

Kasabay ng paghahanda sa muling pagbubukas ng eskwela, inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod at mga magsasapatos sa Marikina na muling tangkilikin ang kabubukas pa lamang na Back-to-School Bazaar.

Pormal na nagbukas ang bazaar kahapon, Mayo 21, at ito ay tatagal hanggang Hunyo 10.

Pinagunahan ni Mayor Marcy Teodoro ang pormal na pagbubukas ng shoe bazaar, na nagkaroon ng soft opening noong Mayo 17.

Todo suporta si Mayor Marcy sa pagpapasigla ng industriya ang sapatos sa Marikina, kung saan nakilala ang lungsod bilang “Shoe Capital of the Philippines.”


May temang “Balik Eskwela, Gamit Sapatos Marikina”, layunin ng proyektong ito na makatulong sa mga magulang na makabili ng abot-kaya o factory-priced ngunit matibay at komportableng sapatos para sa kanilang mga anak sa kanilang pagpasok sa paaralan. Bukod dito layunin din ng proyektong ito na mas maipakilala at tangkilikin ang mga sapatos at produktong gawang Marikina.

Ang bazaar ay idinadaos sa kahabaan ng Shoe Ave. sa Brgy. Sta. Elena, malapit lamang sa City Hall ng Marikina. Bukas ito mula 9:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi tuwing Lunes hanggang Huwebes, at 9:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi tuwing Biyernes hanggang Linggo.

Sinuyod mismo ni Mayor Marcy kasama ang mga sumaling manggagawa ng sapatos at mga opisyal ng City Hall ang mga panindang sapatos at bags. Nagsukat din si Mayor ng sapatos.




Inaasahang nasa P250 ang pinakamurang halaga ng sapatos pang-eskwela para sa mga bata at hindi naman tataas sa P1,000 ang leather shoes para sa matatanda. Mayroon ding mabibiling iba pang leather goods tulad ng sandalyas, tsinelas, ganoon din ang leather at synthetic bags sa abot-kayang halaga.

Para sa karagdagang mga litrato sa shoe bazaar, please click this link: https://www.facebook.com/pg/Super-Gatbu-200400933624942/photos/?tab=album&album_id=659364007728630


Ang pagbubukas ng Balik Eskwela bazaar ay pinalabas live sa morning show na Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN. Eto po ang link : https://www.marikina.gov.ph/media/ang-pagbubukas-ng-balik-eskwela-bazaar



Share article on: