Bumabahang Kalye sa Tumana, Agad Pinaaayos ni Mayor Marcy

PIO Department

2018-6-18

Share article on:

Muling pinatunayan ng Lungsod ng Marikina sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro na may “Gobyernong maasahan ang mga Marikenyo.”

Bilang tugon sa hiling ng mga nakatira sa Angel Santos St. sa Tumana na ayusin ang bahagi ng lugar na laging binabaha kapag tag-ulan, agad na nagpadala ng mga tauhan ang City Hall upang maumpisahan na ang paggawa katulad ng pagsusukat, paglilinis ng creek at pagpuputol sa kalsada. Nagpadala rin ng mga reinforced concrete pipes na gagamitin sa pag-aayos ng lugar.

Ayon sa City Hall, ito ang nagsilbing regalo ni Mayor Marcy sa pagdiriwang ng Father’s Day noong Linggo, Hunyo 17, sa mga taga Angel Santos St. Ang paghuhukay at paggawa ay itutuloy sa araw na ito, Lune, Hunyo 18.

“Kaya tayo nasa gobyerno ay para makatulong ng tama at mabuti sa ating mga kababayan,” bilin ni Mayor Marcy sa mga manggagawa ng City Hall.





Samantala, bilang tugon din sa mga kahilingan ng mga Marikenyo, ginagawa na rin ng Engineering Department ng City Hall sa pamumuno ni Engr. Ken Sueno ang mga sumusunod na proyekto:

*Sidewalk at gutter improvement sa Katipunan cor Rainbow Sts. sa Concepcion Dos at sa Horizon cor Lilac Sts. sa Concepcion Dos pa rin.

*Drainage and road improvement ng alley Number 3 sa Juanco Homeowners Association sa Tangueli St. sa Marikina Heights at sa Dela Rosa Compound sa Fortune.

*Paggawa ng bagong drainage system sa Sacred Heart Child Care Center sa Santan St. sa Fortune.

*Building improvement sa Marikina Heights High School at Elementary School.

*Building and perimeter fence improvement sa Greenheights campus ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina sa Concepcion Uno.





Share article on: