Dalawang Kompanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2018-8-22

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, dalawang kompanya ang magdadaos ng in-house recruitment ngayong Biyernes and sa susunod na Linggo sa lungsod.

Ang Reliable Work Force and General Services ay magdadaos ng in-house recruitment sa Aguosto 24, ngayong Biyernes, mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) sa second floor ng public service center Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall.

Kabilang sa mga kailangan ng Reliable Work Force ay accounting assistant, marketing assistant, human resources supervisor/assistant, IT assistant, office staff, sales promo/associate, beauty advisor at mga drayber na may driver’s license.

Sa Agosto 28 naman ay magdadaos ng in-house recruitment ang Dames International Corp. sa opisina pa rin ng LRPESO mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.  Ang mga hinahanap nila ay production helper, warehouseman/delivery helper, mga drayber, area supervisor, marketing officer/account executive, mechanical engineer, human resources assistant/administrative assistant/office staff, industrial engineer, at marami pang iba.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa LRPESO : 681-92-77 at 586-59-88; o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/


Share article on: