Footbridge sa Tumana at Iba Pang Pag-aayos sa Siyudad Tuloy-tuloy Lang

PIO Department

2018-6-4

Share article on:

Sa kahilingan ng mga naninirahan sa Block 68, Palay St. sa Brgy. Tumana ay inaayos na ng mga kawani ng City Hall ang footbridge sa kanilang lugar.

Ito ay alinsunod na rin sa tagubilin ni Mayor Marcy Teodoro na maging handa lagi sa pagtugon sa mga kailangan ng mga Marikenyo.

“Matuto tayong makinig sa mg hinaing ng taong bayan!” ang palagiang bilin ni Mayor Marcy sa mga empleyado ng City Hall.

“Minsan lang nating daraanan ang landas na ito, kaya gawin na natin ang ating pinakamahusay para mapaglingkuran ang ating mga kababayan,” dagdag pa ni Mayor Marcy na isinapuso naman ng mga kawani.



Mahalaga ang pag-aayos sa footbridge dahil sa pamamagitan nito ay masisigurong ligtas at mabilis ang paglalakad ng mga nakatira sa Tumana patungo sa  Salvador Compound sa Malanday, paakyat sa BDO sa JP Rizal St. Mas mabilis din silang makakadaan papuntang JP Rizal sa panahon ng pagtaas ng tubig ilog.

Ang pag-aayos ng footbridge ay pinangungunahan ng Engineering Department ng City Hall at ng Team Steel Fabrication ni Nestor Nierva.

Samantala, bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng kalsada sa pagitan ng Marikina City Hall at Freedom Park sa trapiko, nilinis ang kahabaan nito ng mga kawani ng City Hall. Nagsagawa ng flushing operations rito noong Biyernes ng umaga, Hunyo 1.


Isinara ang naturang kalsada upang bigyang daan ang road and drainage improvement project bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan at para na rin maiwasan ang pagbaha rito.


Inaasahang muling bubuksan ang Freedom Park, na inaayos at lalong pinapaganda, sa Hulyo sa taong kasalukuyan.

Hindi rin binigo ng City Hall ang lambing ng mga kabataan sa Brgy. Sta. Elena dahil inayos ang basketball court na matatagpuan sa loob ng Marikina Elementary School.





Share article on: