Marikina Isinailalim sa State of Calamity; Walang Pasok Bukas

PIO Department

2018-7-22

Share article on:

Dahil sa bagyong Josie na nagdulot ng pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Lungsod ng Marikina at sa nagbabadyang sama ng panahon ngayong linggo, nagpasya ang Sangguniang Panlunsod ng Marikina na ilagay sa state of calamity ang siyudad.

Ang pagsasailalim ng Marikina sa state of calamity ay ayon sa rekomendasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Council na naglalayong:

*Maiwasan ang hoarding at profiteering sa mga pangunaghing bilihin sa ating mga pamilihan at maging available ang mga basic commodities sa lahat.

*Para ang mga namamasukan na hindi nakapagtrabaho nitong huling lingo ay makapag-apply ng calamity loan mula sa Social Security System, Government Service Insurance System at Pag-ibig.

*Upang higit pang mapabilis ang mga relief at rehabilitation efforts ng ating pamahalaan.


Sa kabila nito, siniguro ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro na walang dapat na ipag-alala ang mga mamayan dahil naka-antabay ang City Hall upang matulungan ang lahat. Sa katunayan, nailikas na ang higit sa isang libong pamilya at halos limang libong mamamayan sa walong evacuation centers.

“Nais po naming iparating sa inyo na ang pagdedeklara ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Marikina ay naglalayon na mas mapa-igting ang kaligtasan at seguridad ng mga taga Marikina,” ayon sa Resolusyon No. 115 ng Sangguniang Panlungsod.


Idineklara rin ni Mayor Marcy kanina na walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina bukas, Lunes, Hulyo 23.

Nakaranas ng matinding pag-ulan ang Metro Manila at ibang lugar sa bansa na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang mga siyudad at probinsiya dahil sa bagyong Josie na nagpalala sa habagat.

Dahil dito, umakyat ang tubig sa Marikina River kaninang umaga sa 17.4 meters, pero bumaba na ito sa 15.6 meters kaninang 6:00 ng gabi.


Share article on: