Matagumpay ang Back to School Fair ng mga Sapatero Marikina sa Muntinlupa

PIO Department

2018-6-22

Share article on:

Naging matagumpay ang “Back to School” bazaar sa Muntinlupa, isang proyekto ng Lokal na Gobyerno ng Marikina at ng Muntinlupa, na sinalihan ng mga manggagawa ng sapatos ng Lungsod ng Marikina.

Mula Mayo 29 hanggang Hunyo 10, ang mga sapatos na gawa sa Marikina ay nabenta sa mas mababang presyo sa tatlong lugar sa siyudad ng Muntinlupa: ang City Quadrangle, Sports Center, at ang Sucat People’s Park. Dahil sa kanyang tagumpay, nagpaplano ulit ng isang bazaar sa Nobyembro, sabi ni Noel box, ang hepe ng Marikina Shoe Industry Development Office (MASIDO).





Ito ang pangalawang beses na nagbenta ang mga manggagawa ng sapatos sa Marikina ng kanilang mga produkto sa Mutinlupa ngayong taon. Nagkaroon din ng bazaar noong Enero.


Samantal ang isa pang back to school fair na nagbebenta ng sapatos at bag sa Marikina ay natapos noong Linggo, Hunyo 17. Ang bazaar, na nagtampok ng mga leather goods na gawa sa Marikina, ay pinahaba ng pitong araw mula sa Hunyo 10. Ito ay matapos makiusap ang mga magulang na ma-extend pa ito hanggang Hunyo 17.



(Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa industriya ng sapatos sa Marikina, mangyaring makipag-ugnayan sa MASIDO sa pamamagitan ng kanilang Facebook page -- https://www.facebook.com/marikinashoeindustry/ )

Share article on: