Mayor Marcy Dineklarang Walang Pasok Bukas

PIO Department

2018-8-12

Share article on:

Dineklara ngayong araw ng Linggo ni Mayor Marcy Teodoro na walang pasok bukas, Lunes, sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Marikina.

Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat bagamat lumabas na sa Pilipinas ang bagyong Karding.

Maari na ring daanan ang primary at secondary roads sa Marikina, ngunit ang mga daan sa ilalim ng Marikina Bridge at Marcos Bridge ay nanatiling hindi pa pwedeng daanan dahil sa baha.


Bandang 11:00 ngayong umaga, bumaba na ang tubig sa Marikina River sa 16.5 meters, matapos itong umakyat sa lagpas 20 meters kagabi, dahilan upang magkaroon ng forced evacuation sa siyudad, lalo na sa mga komunidad na malapit sa ilog at sa mga mabababang lugar ng lungsod.  Pansamantala silang inilikas sa mga evacuation centers.

Kahit pagod sa maghapong pag-iikot at pag-aasikaso ng siyudad at ng mga kailangan ng mga mamayan, gising buong magdamag si Mayor Marcy at nasa command center ng Rescue 161 kaninang madaling araw upang tulungang sagipin ang mga kababayang naipit sa baha.


Nag-ikot rin siya kagabi sa mga komunidad tulad ng Brgy. Concepcion Dos upang siyasatin ang pagbaha sa lugar. Habang nag-iikot, nagsakay siya ang mga mamamayang nais lumikas sa mga evacuation centers bunsod ng pagtaas ng tubig baha.

Share article on: