Mga Marikenyo Mag-aalay ng Panalangin sa Mahal na Birhen ng Antipolo

PIO Department

2018-6-4

Share article on:

Muling idadaos sa araw na ito, Hunyo 4, ang nakaugaliang “Ahunan sa Antipolo” kung saan ang mga Marikenyo ay magpoprosesyon papunta sa Antipolo Cathedral upang manalangin sa Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Our Lady of Peace and Good Voyage).


Sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro at mga kawani ng City Hall, ang prusisyon ay mag-uumpisa sa eksaktong 5:00 ng umaga sa Taktak Road patungong Antipolo Cathedral kung saan nakaluklok ang imahen ng Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay na kilala rin bilang Nuestra Senora Dela Paz y Buenviaje.

Makakasama ng mga Marikenyo sa kanilang pag-akyat sa Antipolo ang imahe ng Our Lady of the Abandoned.






May temang “Ang matatatag na pananampalataya ng Marikina sa Birheng Mahal,” magkakaroon ng misa sa Antipolo Cathedral bandang 6:00 ng umaga.

Ang Ahunan, na ginagawa taun-taon, ay simbolo ng walang kupas na pananampalataya at pasasalamat ng mga Marikenyo sa Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Sa pamamagitan rin nito ay lalong napagtitibay ang pagkakaisa ng Marikina at ang karatigbayan nitong Antipolo.

Ginaganap ang tradisyong ito tuwing unang Lunes ng buwan ng Hunyo.

Ang mga larawang kalakip ng artikulong ito ay kuha noong nakaraang taon. Samantalang ang larawan ng imahe ng Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay ay mula naman sa Facebook page ng Antipolo Cathedral -- https://www.facebook.com/birhenngantipolo/

Share article on: