Mga Paaralan sa Marikina Inihahanda Na Para Sa Pasukan

PIO Department

2018-5-31

Share article on:

Buhay na buhay ang diwa ng Bayanihan sa Marikina dahil tulong-tulong ang lahat upang maging maayos ang mga paaralan sa lungsod.

Nag-umpisa ng linisin, lalong pagandahin at ayosin ang mga paaralan sa Marikina bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa Hunyo 4.

Tinawag na “Brigada Eskwela,” tulong-tulong ang mga guro, mga magulang, mga miyembro ng komunidad at mga mag-aaral sa paglilinis at pag-aayos ng mga silid paaraalan, kasama na ang mga kagamitan katulad ng mga upuan, mesa, pisara, electric fan, aircon at iba pa.

Maging ang mga bintana, upuan at bubong ay hindi nakaligtas sa mga lumahok sa Brigada Eskwela. Nilinis din ang mga comfort rooms at school grounds.

Pininturahan din ang mga kisame, upuan, cabinet at pisara.





Kabilang sa mga paaralang nagkaroon ng Brigada Eskwela kahapon, Mayo 30, ay ang mga paaralang pang-elementarya (elementary school) ng Brgy. Sto. Nino, Malanday, Parang, Fortune at H. Bautista.

Nililinis at pinagaganda ang mga paaralan upang maging kaaya-aya ang mga ito sa mga estudyante ng sa ganoon ay lalo pa silang sipagin at maging masigasig sa pag-aaral.









Share article on: