Netizens Laking Pasalamat sa FB Updates ng PIO, Rescue 161

PIO Department

2018-6-14

Share article on:

Walang humpay sa pagbigigay ng update oras-oras sa kanilang Facebook pages ang Public Information Office (PIO) ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina at ang Rescue 161 tungkol sa water level sa Marikina River at sa lagay ng panahon sa mga nakaraang araw sa gitna ng malakas na ulan dulot ng bagyong si “Domeng” at ng habagat.

Nagbibigay din ng update ang PIO at Rescue 161 kung mayroon ba o walang pasok ang mga estudyante sa Marikina ayon sa proklamasyon ni Mayor Marcy Teodoro.

Dahil dito, inulan ng pasasalamat at papuri ang FB pages ng dalawang tanggapang ito mula sa mga netizens ng Marikina.

"'MATULOG na po kayo, kami po ang BAHALA sa Marikina.' Napakasarap matulog kapag ganito ang maririnig mo sa mga taong namumuno sa lungsod. Salamat sa maagap na pagtugon sir Ryan Salvador. Ipagpatuloy mo ang iyong magaling na pagseserbisyo sa ating mahal na lungsod. Ipinagmamalaki ka ng pamunuan ng ating butihing Mayor Marcy," ayon kay Cecilia Alano sa kaniyang komento sa FB post ng PIO.



“Hello po, good job po sa pag live ng water level sa ilog (ng) Marikina. Keep up the good work in keeping Marikenos safe all the time…God bless po and stay safe everyone,” ayon kay Ecneraul Selaron sa FB page ng Rescue 161.

“Good to know that Rescue 161 is always ready for situation like this. Surely they will keep us posted on the status at the Riverbank,” komento naman  ni Manuel C. Cabugao.

“Very efficient. Keep it up,” ayon naman kay Ching Chanyungco sa kaniyang komento sa post ng PIO tungkol sa water level sa Marikina River.

“Tnx sa advisory,” maikling komento naman ni Maria Zenaida Ignacio Moyano sa PIO FB page.

Ang pagbibigay ng updates ay alinsunod sa bilin ni Mayor Marcy na ipadama ng mga kawani ng City Hall sa mga Marikenyo na sa anumang oras ay may gobyerno silang maaasahan -- umulan man o umaraw.

Para sa mas marami pang impormasyon hindi lamang tungkol sa lagay ng panahon, bisitahin ang mga FB pages ng Marikina PIO at ng Rescue 161:

https://www.facebook.com/MarikinaPIO/

https://www.facebook.com/MarikinaRescue161/

Share article on: