Paglilinis ng Election Campaign Materials Pinangunahan ng City Hall

PIO Department

2018-5-16

Share article on:

Matapos ang matagumpay na pagboto sa katatapos lamang na barangay at SK (Sangguniang Kabataan) eleksyon, paglilinis at pagtatanggal naman ng mga materyales na ginamit sa pangangampanya ang inasikaso kahapon, Mayo 15, ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina.

Pinangunahan ng mga tauhan ng City Hall, sinimulan ng tanggalin ang mga posters at trapal o tarpaulin  na ginamit ng mga kandidato sa pangangampany sa iba’t ibang barangay ng siyudad.



Nanawagan din ang City Hall sa mga kandidato na tumulong sa pagtatanggal ng kani-knilang campaign posters upang mapanatili at kalinisan at kaayusan ng Marikina.

Samantala, patuloy din ang Lokal na Pamahalaan sa pag-aayos ng paligid ng Marikina kabilang na rito ang road improvement sa Camia St. sa Twinville Subdivision sa Concepcion Uno, alley at drainage improvement sa Dela Rosa Compound East Drive Marikina Heights, steelgrating improvement sa Crystal St. Twinriver sa Parang at gutter inlet improvement sa Colt St. corner Panorama sa Concepcion Dos.



Tuloy-tuloy din ang pag-aayos ng mga pedestrian lanes katulad doon sa mga daan patungong Concepcion Integrated School at iba pang mga paaralan para siguraduhin at kaligtasan hindi lang ng mga mag-aaral kundi lahat ng mga Marikeño. Kaya kahit hatinggabi ay tuloy-tuloy lamang sa pagtratrabaho ang mga tauhan ng City Hall.

Hindi nila alintana ang pagod at puyat para lamang mapagsilbihan ang mga mamayan, siguraduhing sila ay ligtas at maiayos ang siyudad ng Marikina.


Ang lahat ng ito ay ginagawa ayon na rin sa layunin ni Mayor Marcy Teodoro na gawing ka-iga-igaya at kanais-nais na tirahan ng bawat pamilyang Marikenyo ang buong lungsod.

Share article on: