Pagpapagawa at Pagpapaayos ng Freedom Park, Malapit ng Matapos

PIO Department

2018-5-23

Share article on:

Personal na pinuntahan kahapon, Mayo 22, ni Mayor Marcy Teodoro upang tingnan ang pagpapagawa at pagpapaayos ng Freedom Park na malapit ng buksan muli sa publiko sa Hulyo sa taong kasalukuyan.

Gamit ang talas ng mata, napansin mismo ni Mayor Marcy ang hindi tamang dikit at klebe ng bricks ng isang gumagawa sa parke.



Kabilang sa ginagawa sa Freedom Park ay ang roadside improvement, roadside and drainage improvement at ang pagpapalit ng concrete blocks sa mas maganda, makulay at may disenyong kalsada na tinawag na stampcrete (stamped concrete).


Inumpisahan ang pagaayos ng parke at ng katabing mga kalsada nito noong Enero 2018. Ito ang unang pagkakataon na inaayos at pinapaganda ang parke sa loob ng 25 na taon.




Ang Freedom Park na nasa harap ng Marikina City Hall ay itinayo bilang paggunita at pagbibigay pugay sa mga bayani at beterano ng World War II na lumaban sa Japanese army sa Bataan at Corregidor.

Paboritong tambayan ang Freedom Park ng mga bata, mga teen-ager, mga Millennials at maging ng may mga edad ng Marikenyo. Ang ilan ay nagpapalipas ng oras sa ilalim ng mga puno, naaliw sa mga kalapating naninirahan dito, nag-eehersisyo at ang iba naman ay nagsisipag-aral.




Ang Freedom Park ay paboritong pagdausan ng mahahalagang events sa Lungsod ng Marikina tulad ng shoe bazaar na ginaganap tuwing Nobyembre at Disyembre bilang parte ng selebrayson ng Sapatos Festival at ang Flower Festival na ginaganap naman tuwing undas upang bigyan ng pagkakataon ang mga Marikenyo na makabili ng bulaklak at kandila para ialay sa kanilang mga yumaong minamahal.



Share article on: