Pagsasaayos ng Marikina, Tuloy-tuloy Lang Para sa Maaliwalas na Lungsod

PIO Department

2018-5-21

Share article on:

Walang humpay ang pagsasaayos ng Lungsod ng Marikina sa ilalim ang pamunuan ni Mayor Marcy Teodoro.

Hindi rin alintana ng mga manggagawa ng City Hall ang sobrang init ng panahon para lamang mapagsilbihan ang mga Marikenyo at mabigyan sila ng malinis, maayos at maaliwalas na kapaligiran.

Kabilang sa mga proyektong ito ay ang kasalukuyang drainage improvement at road widening sa G. Cruz St, gilid ng bahagi ng H. Bautista Elementary School sa Brgy. Concepcion Uno. Ang proyektong ito ay naglalayong maiwasan ang pagbaha sa naturang lugar at magdulot ng maginhawang paglalakbay sa mga motorista at mamayan.



Inayos din at nilinis ang Plaza delas Flores sa may Loyola Memorial Park, kabilang na rito ang fountain area.



Ang iba pang mga proyektong patuloy na isinasagawa ay ang road improvements sa iba't ibang bahagi ng Marikina tulad sa Camia St. sa Twinville, Concepcion Uno; sa Champaca St. sa Marikina Heights; sa Rainbow St. sa Concepcion Dos; sa Colt St. sa Concepcion Dos; sa Fatima Heights sa Marikina Heights; at ang steel grating sa Villalon St. sa Brgy. Sto. Niño.




Ang mga proyektong ito ay isinasagawa kaugnay sa layunin ng administrasyon ni Mayor Marcy na lalo pang mapaganda ang lungsod ng Marikina para na rin sa ikabubuti ng bawat pamilyang naninirahan dito. Ang magbigyan ng mabuting pamumuhay ang isa sa mga pinagsisikapang itaguyod ni Mayor Marcy sa kaniyang panunungkulan.

Share article on: