SM Supermarket at Iba Pa May In-house Recruitment Ngayong Linggo

PIO Department

2019-1-21

Share article on:

Magandang balita para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho.

Ang SM Supermarket, SM Appliance Center, GCCS and Associates Corp., at Schatzilein Manpower Services Co. ay magdadaos ng in-house recruitment sa Marikina ngayong linggo, mula Enero 22 hanggang 25, ayon sa Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) ng Marikina.

Ang mabigyan ng trabaho ang mga Marikenyo ay isa sa pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang LRPESO sa pakikipag-ugnayan sa mga kompanyang nangangalilangan ng mga empleyado.


Bukas, Enero 22, ang GCCS ay magkakaroon ng in-house mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Naghahanap ang GCCS ng call center agent, office staff/salesman, field repossessor, at messenger.

Sa Miyerkules, Enero 23, ang Schatzilein Manpower Services ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina.  Nangangailangan ang Schatzilein ng delivery driver at sales rider.

Sa mga nais mag-apply sa posisyon na delivery driver ay dapat mayroon professional license restriction codes 1, 2, at 3. Samantalang professional license restriction codes 1 at 2 naman para sa sales rider.

Sa Huwebes, Enero 24, ang SM Appliance ay magdadaos ng in-house recruitment sa tanggapan pa rin ng LRPESO Marikina mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Naghahanap ang SM Appliance ng counter assistant cashier, sales assistant, sales clerk, stock clerk, inventory clerk, at iba pa.


 

Sa Biyernes, Energo 25, ang SM Supermarket naman ay magkakaroon ng in-house recruitment sa LRPESO pa rin mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang SM Supermarket ay nangangailangan ng customer assistant, supplies assistant, human resources assistant, receiving clerk, at iba pa.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/ 

Share article on: