Ace Hardware at Iba Pang Kompanya May In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2020-2-17

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Ace Hardware Philippines Inc.,  Staff Search Asia Service Cooperative, Mcdonald’s Philippines, Surplus Marketing Corp., at Collecticus ay magkakaroon ng in-house recruitment ngayong linggo.


Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.


Sa Huwebes, Pebrero 20, ang Ace Hardware ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Ace Hardware ng store supervisor, counter supervisor, warehouse supervisor, sales assistant, treasury assistant, sales clerk, at stock clerk.





Sa Biyernes, Pebrero 21, ang Staff Search ay magdadaos ng in-house recruitment sa opisina ng LRPESO Marikina mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Naghahanap ang Staff Search ng mga service crew na handang maitalaga sa Cubao, Quezon City.




Sa kapareho na araw, ang Mcdonald’s Philippines ay magkakaroon din ng in-house recruitment sa Mcdonald’s J.P. Rizal sa Sto. Niño, Marikina mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Nangangailangan ang Mcdonald’s ng mga service crew na handang maitalaga sa tatlong magkakaibang Mcdonald’s branches na matatagpuan sa Marcos Highway, Concepcion Uno at J.P. Rizal.




Para naman sa Lunes ng susunod na linggo, Pebrero 24, ang  Surplus Marketing ay magdadaos ng in-house recruitment sa tanggapan ng LRPESO mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Naghahanap ang Surplus Marketing ng store supervisor o manager, cashier, sales clerk, at sales utility clerk.




Samantala, ang Collecticus ay bukas para sa mga ini-refer. Magdala lamang ng resumé sa tanggapan ng LRPESO mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Naghahanap ang Collecticus ng collection operations team lead, collections assistant at senior mediator.




Sa mga wala pang trabaho o kaya ay naghahanap ng ibang mapapasukan, dumulog na sa mga nasabing lugar sa Marikina at ihanda ang inyong resumé, ballpen, at mga ID pictures. Malay ninyo, nandito na ang inaasam ninyong trabaho.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 8681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: