Ace Hardware at Iba Pang Kumpanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-2-19

Share article on:

Magandang balita para sa mga Marikenyong nais magkaroon ng trabaho.


Ang Ace Hardware Phils. Inc., Symanpro Manpower Service Contractor Corp., SM Homeworld at Signature Lines Inc., ay magdadaos ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Martes hanggang sa Biyernes.


Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.


Ngayong Martes, Pebrero 19, ang Ace Hardware Phils. ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Ace Hardware ng sales assistant, sales utility clerk, stock clerk at cashier.


Sa Miyerkules, Pebrero 20, ang Symanpro Manpower ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay quality control inspectors, technician, engineering staff, checker, accounting staff, cook, cashier, Halo crew, branch head/supervisor, rider/messenger, technical assistant, leadman, high pressure plant tender, and aircon/refrigeration technician.


Sa Huwebes, Pebrero 21, ang SM Homeworld ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang SM Homeworld ng sales clerk, sales utility clerk at stock clerk.


Sa Biyernes, Pebrero 22, ang Signature Lines Inc. ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO. Nangangailangan ang Signature Lines ng cashier, sales clerk at stock clerk.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: