AH Manpower at Iba Pang Kumpanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-3-13

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang AH Manpower Management Inc., SM Supermarket, Asiawide Human Resources and Consultancy Corp. at Jolly Management Solutions Inc. ay magkakaroon ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Miyerkules, Marso 13.


Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.


Ngayon Miyerkules, Marso 13, ang AH Manpower ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Naghahanap ang AH Manpower ng accounting staff, sales admin staff, marketing staff, office staff, customer service representatives, human resource staff, roving sales promodiser, roving merchandiser, delivery helper, technicians, at truck driver.




Ang SM Supermarket ay magdadaos ng in-house recruitment sa Brgy. Nangka sa Huwebes, Marso 14 at sa Brgy. Concepcion Uno sa Biyernes ng susunod na linggo, Marso 22,  mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Ang SM Supermarket ay nangangailangan ng customer assistant, receiving clerk, cashier/sales clerk at bagger.




Sa Biyernes, Marso 15, ang Asiawide ay magdadaos ng in-house recruitment sa opisina ng LRPESO mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang Asiawide ay naghahanap ng registered nurse, sales associate, promodiser at driver.




Sa Lunes, Marso 18, ang Jolly Management ay magkakaroon ng in-house recruitment sa opisina ng LRPESO mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang Jolly Management ay nangangailangan ng information technology staff, cashier, production worker, promodiser, merchandiser, electrician, service crew, at janitor.





Kaya sa mga wala pang trabaho diyan, o kaya ay naghahanap ng ibang mapapasukan, dumulog na sa mga nasabing lugar sa Marikina at ihanda ang inyong resumé, ballpen, at mga ID pictures. Malay ninyo, nandito na ang inaasam ninyong trabaho.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: