Libreng Sakay Para sa mga Marikenyo at Anunsyo ng Walang Pasok Ngayon Setyembre 30

PIO Department

2019-9-30

Share article on:

Bunsod ng nationwide transport strike ngayong Lunes, Setyembre 30, ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ay nag-abot ng serbisyong pampubliko sa mga Marikenyong manggagawa sa pamamagitan ng libreng sakay sa mga estratehikong lugar sa lungsod.


Ang libreng sakay ay nagsimula kaninang 5:00 ng umaga sa limang tinalagang terminal patungo sa pinakamalapit na Light Rail Transit (LRT) station.


Ang mga tinalagang terminal na ito ay sa Brgy. Nangka, NGI Market sa Brgy. Parang, Panorama St. sa SSS Village Brgy. Concepcion Dos, Savemore Supermarket sa Brgy. Sto. Niño at sa Marikina Sports Center.




Kasabay rin nito ang pag-anunsyo ni Mayor Marcy ng pagsuspende ng klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Marikina ngayong araw.


Ito ay para matiyak ang kaligtasan at maiwasan ang abala sa mga mag-aaral at lahat ng tauhan ng paaralan.

Hangad ni Mayor Marcy na siguraduhin ang kaginhawaan ng bawat Marikenyo kaya asahan na patuloy lang sa paghahatid ng serbisyong pampubliko ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina.

Share article on: