Asahan Matinding Trapik sa Marcos Highway: Marikina City 161

PIO Department

2018-12-5

Share article on:

Pinapabatid ng Marikina City Rescue 161 ang mabigat na daloy ng trapiko papasok ng Marikina sa Marcos Highway. Ito ay sanhi ng pagsasa-ayos ng mga poste ng LRT sa kahabaan ng Marikina Highway.

Narito po ang buong pahayag ng Marikina City Rescue 161 sa kanilang Facebook page:

“Ipinapabatid po sa publiko ang kasalukuyan pagsasa-ayos ng mga poste ng LRT sa kahabaan ng Marcos highway patungong Masinag ang naging dahilan kaya po nagkakaroon ng pagbigat ng daloy ng trapiko papasok ng Marikina at pagdami na rin ng volume ng sasakyan na pumasok sa Marikina. Ito po ang naisip nilang daanan patungo ng Antipolo. Humihing po kami ng konting pang-unawa at asahan po ninyo na ginagawa po lahat ng mga tauhan ng OPSS at Traffic Enforcer upang mapabilis ang daloy ng trapiko. Paalala po namin na maging maingat po.”


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa daloy ng trapiko sa Marikina, lagay ng panahon, at iba pa, puntahan lamang ang Facebook page ng Marikina Rescue 161 https://www.facebook.com/MarikinaRescue161/

Share article on: