Bagong Access Road sa Sto. Niño-Sta. Elena, Bukas Na

PIO Department

2018-7-10

Share article on:

Bunga ng pagtutulungan at pagkakaisa nina Mayor Marcy Teodoro at Congressman Bayani Fernando, maraming proyekto sa Marikina ang madaling naipapatupad at nagagawa ng maayos katulad ng bagong access road sa Sto. Nino-Sta. Elena.

Binuksan na noong Linggo, Hunyo 8, ang bagong gawang access road na maaring daanan mula J.P. Rizal Street sa Lamuan papuntang Bayan. Pwede rin itong daanan patungong Kalumpang sa pamamagitan ng pagkanan sa lugar ng Sto. Nino Softball Field at diretso na sa ilalim ng tulay ng Marikina paakyat sa Lola Helen Panciteria.

Ang bagong access road na ito ay mahalaga dahil magiging mabilis ang daloy ng trapiko papuntang Sta. Elena o Kalumpang. Maiiwasan din ang traffic build up sa kanto ng B. Santos (sa may Builders Bank at opisina ng Land Transportation Office ng Marikina) at hindi na makikipagsiksikan sa Kamino.


Ang naturang access road ay nagawa at natapos dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Marikina City at ng Department of Public Works and Highways.

Kaugnay nito, masinsinang nagpulong sina Mayor Marcy at Cong. BF noong Lunes upang masigurong magiging tama at epektibo ang mga programang inprastraktura katulad ng mga bagong daan, kalye at tulay na ipapatupad sa Distrito Uno ng Lungsod ng Marikina.


Samantala, patuloy na nakikiusap ang City Hall ng Marikina na tumulong ang mga netizen ng siyudad para mahuli ang mga gumagawa ng vandalism sa mga pader na nagpapadumi sa paligid. Maaring hulihin sa akto ang mga vandals, kunan ng picture at magsagawa ng tinatawag na Citizen Arrest o kaya naman ay tumawag sa 161.


Mabilis namang pinipinturahan ng mga kawani ng City Hall ang mga graffiti at iba pang hindi kanais-nais na mga vandalism sa mga pader upang mapanatiling maayos at malinis ang Lungsod ng Marikina ayon na rin sa programa ni Mayor Marcy.

 

Share article on: