Bagong Amphibian sa Marikina, Malaking Tulong Tuwing May Bagyo

PIO Department

2018-7-24

Share article on:

Nakatanggap ng isang amphibian vehicle ang Marikina Chapter ng Philippine Red Cross na pwedeng gamitin ng Lokal na Pamahalaan at ng Red Cross para mas mapadali ang pag-rescue sa mga binabahang lugar sa siyudad.

Ang amphibian ay dumating kahapon sa City Hall at sinalubong ni Mayor Marcy Teodoro at iba pang opisyal ng Lokal na Pamahalaan.


Napapanahon ang pagdating ng amphibian na may kakayahang lumusog sa malalalim na baha at umandar sa kalupaan nang walang palya dahil inaasahang may mga bagyo pang parating sa mga darating na araw sa bansa.

Dahil sa sunod-sunod na bagyo ay laging bumabaha sa mabababang lugar ng Marikina lalo na doon sa malapit sa Marikina River. Noong Linggo ay napilitang magdeklara ang Sangguniang Panlungsod  ng state of calamity sa Marikina City dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng bagyong Josie na nagresulta sa pagbaha sa ilang lugar at pagtaas ng tubig sa Marikina River sa 17.4 meters.

Share article on: