Bagong Footbridge sa Tumana, Gawa Na

PIO Department

2018-7-16

Share article on:

Mahal ni Mayor Marcy Teodoro ang mga taga-Tumana at palaging ang kapakanan at kabutihan ng mga nakatira rito ang inuuna ng City Hall.

Kaugnay nito, isa na namang footbridge ang pinagawa ni Mayor Marcy sa Tumana. Ito ay ang Palay-Salvador Compound Footbridge. Inumpisahan ang pag-aayos ng naturang footbridge noong nakaraang buwan lamang.

Mahalaga ang pag-aayos sa footbridge dahil sa pamamagitan nito ay masisigurong ligtas at mabilis ang paglalakad ng mga nakatira sa Tumana patungo sa  Salvador Compound sa Malanday, paakyat sa BDO sa J.P. Rizal St. Mas mabilis din silang makakadaan papuntang J.P. Rizal sa panahon ng pagtaas ng tubig ilog.






Ang pag-aayos sa footbridge ay bilang tugon ni Mayor Marcy sa kahilingan ng mga naninirahan sa Block 68, Palay St. sa Brgy. Tumana. Laging bilin ni Mayor Marcy sa mga kawani ng City Hall: “Matuto tayong makinig sa mg hinaing ng taong bayan!”

Matatandaang binuksan noong Pebrero 14 sa taong ito ang isa pang footbridge sa Tumana, ang Concepcion Integrated School (CIS) -Tumana Footbridge.

Sa pagbubukas ng CIS-Tumana Footbridge, nasisiguro na ang kaligtasan ng mga estudyante ng Tumana sa kanilang pagpasok at paglabas ng CIS. Hindi na nila kailangan pang makipag-patentero sa mga traysikel, jeep, kotse, trak at iba pang sasakyan sa tuwing daraan sila sa Farmers 1 at JP Rizal sa kanilang pagpasok at paglabas ng paaralan.


Share article on: