Bagong IVC High School Itinatayo Na

PIO Department

2018-8-3

Share article on:

Nagpapatayo na ang Pamahalaang Lokal ng Marikina sa ilalim ng pamumuno ni Marcy Teodoro ng bagong Industrial Valley Complex (IVC) High School upang mas maginhawa ang pag-aaral ng mga kabataan.

Ang edukasyon ay isa sa pangunahing programa ni Mayor Marcy dahil naniniwala ang Ama ng Lungsod na ito ang tulay sa mas magandang bukas ng mga kabataan. Sa katunayan, isa sa kaniyang mga proyekto ay ang pagbibigay ng libreng matrikula sa mga Marikenyong nag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.




Ang tinatayong IVC High School ay matatagpuan sa dating kinatatayuan ng IVC Multi-purpose Covered Gym sa tabi ng IVC Elementary School.

Kasabay nito, itinatayo na rin ang bagong IVC Multi-purpose Covered Gym sa sa kahabaan ng FVR Road at katapat lang ng tinatayong IVC High School.

Share article on: