Bagong Multi-purpose Hall Pinasinayaan; Mga Public Gyms Inaayos

PIO Department

2018-10-8

Share article on:

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaganda ni Mayor Marcy Teodoro sa Lungsod ng Marikina, tuloy-tuloy ang kaniyang administrasyon sa pagpapatayo ng mga multi-purpose halls, mga bagong school buildings, at pag-aayos ng mga gusali tulad ng City Hall at ng mga pampublikong gyms.

Noong nakaraang Sabado, Oktubre 6, pinasinayaan ang bagong multi-purpose hall na may dalawang palapag sa Sweet Dreams Homes of Molave Association sa kahabaan ng General Ordoñez street sa Barangay Parang.


Nagpapatayo si Mayor Marcy ng mga bagong multi-purpose halls sa mga komunidad sapagkat mahalaga ang mga ito para lalong magbuklod ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga mamamayan. Maaaring pagdausan ng mga pagpupulong, mga selebrasyon ang mga naturang gusali, at pwede ring magamit na evacuation center sa panahon ng sakuna.

Samantala, pinapalitan naman ng mga tinatawag na Louver Type Endwall ang mga basketball courts at multi-purpose gyms sa lungsod.


Ito ay ginagawa upang may hangin na pumasok sa loob ng gymnasium at hindi na kailangan pang maglagay ng mga electric fans, mas maging komportable ang pagdaraos ng mga events ng komunidad, at higit sa lahat, dapat hindi maalinsangan ang mga ito dahil ginagamit itong evacuation centers tuwing may kalamidad.

Share article on: