Bagong Police Outpost sa Marikina Heights Handa Na

PIO Department

2019-3-5

Share article on:

Mahalaga kay Mayor Marcy Teodoro na masiguro ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat isang Marikenyo.


Mahigpit niyang ibinilin sa mga tauhan ng City Hall na bigyan ng kaukulang pansin ang mga lumang police outpost sa lungsod partikular sa lugar ng Gen. Menez sa kanto ng Gen. Ordoñez St. sa Brgy. Marikina Heights.


Pinapalitan ni Mayor Marcy ang mga lumang makeshift outpost ng bago at malinis na container van type na police outpost na pinagtulong-tulungan ng mga mga tauhan ng City Hall para mabuo at maihatid sa mga itinalagang lugar sa lungsod.








Ang mga police outpost na ito ay itinatayo upang mapangalagaan ang seguridad ng mga residente rito. Ito rin ay maaaring magsilbing dausan ng mga maliit na pagpupulong.






Nasa puso ni Mayor Marcy Marcy ang katiwasayan ng kalooban ng mga mamamayan kaya asahan lang na magpapatuloy ang mga ganitong proyekto sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Share article on: