Bagong Police Outpost sa Tumana Handang-handa Na

PIO Department

2018-7-30

Share article on:

Dahil mahal na mahal ni Mayor Marcy Teodoro ang mga kababayan nating naninirahan sa Tumana, lagi niyang iniisip ang kaligtasan nila.

Kaya naman ilang buwan matapos niyang ipangakong magpapagawa ng police outpost dito, ayon at handing-handa na ito para lalong mapangalagaan ang seguridad ng mga taga Tumana na malapit sa Tumana Bridge.


Dagdag pa rito, nagpapagawa rin ang Lokal na Pamahalaan ng 99 alleys sa Tumana at inaayos din ang drainage system sa mga ito. Ang proyektong ito ay kaagapay ang Department of Public Works and Highways at naglalayong masolusyonan ang problema ng pagbaha sa naturang lugar.



Mula ng manungkulan bilang alkalde si Mayor Marcy dalawang taon na ang nakakaraan, marami ng proyekto siyang ipinagawa sa Tumana kabilang na ang footbridge sa pagitan ng Tumana at Concepcion Integrated School (CIS) na binuksan noong Pebrero 14 ng taong ito. Nagpapagawa rin ang lokal na pamahalaan sa tulong ng ibang ahensya ng gobyerno at ng private sector ng isang Linear Park para may mapasyalan ang mga residente rito.



Nagpatayo rin siya ng multi-purpose center sa Tumana na binuksan nitong taong ito.

Share article on: