Bakod sa Tumana-Palay Creek Inaayos para sa Kaligtasan ng mga Mamamayan

PIO Department

2019-1-31

Share article on:

Ang kaligtasan ng bawat Marikenyo, lalo na nang mga bata ang isa sa mga pangunahing layunin ng pamahalaan ni Mayor Marcy Teodoro.

Kaya naman agad na isinasaayos ng Marikina City Engineering Office ang bakod sa kahabaan ng Tumana-Palay Creek upang maiwasan ang anumang sakuna lalo na sa hanay ng mga kabataan. Ang lugar na ito ay kilala bilang isang mataong komunidad at kadalasang may naglalarong mga bata rito sa may gilid ng creek.

Kasama ang proyektong ito sa mga tagubilin ni Mayor Marcy na panatilihing maayos at maaliwalas ang mga komunidad ng Marikina ng sa ganoon ay makapamuhay ng maigi at maginhawa ang mga Marikenyo.

Naglinis at nag-flushing din kahapon sa Tumana-Palay Creek sa kahabaan ng Sitaw Street upang matanggal ang putik at alikabok sa nasabing komunidad. Ang maputik at maalikabok na kalsada ay isa sa mga maaaring maging sanhi ng lung diseases.

Nagkaroon din ng clearing operation ang mga kawani ng tanggapan ng Homesite sa nasabing lugar upang tanggalin ang mga nakahambalang sa bangketa.

Kamakailan lang ay pinasinayahan ni Mayor Marcy at iba pang mga pangunahing bisita ng lungsod ang parke sa naturang lugar.

Share article on: