Balik Tanaw sa mga Sapatero ng Marikina

PIO Department

2018-12-21

Share article on:

Kasabay ng pagdiriwang ng Sapatos Festival nagbalik-tanaw ang tanggapan ng Marikina Shoe Industry Development Office (MASIDO ) ng mga dating sapatero sa Marikina na sumali sa Shoe Trade Fair noong Disyembre 1967, 100 taon matapos magawa ang kauna-unahang sapatos sa lungsod sa pamamagitan ni Don Laureano "Kapitan Moy" Guevara.

Sa isang Facebook post, naglabas ang MASIDO ng mga litrato na sumasalamin sa kasaysayan ng shoe trade industry noon sa lungsod ng Marikina. Sa post na ito, ibinahagi ng MASIDO ang kwento ng L’Alegre Shoe Store.



“Ligaya ang pangalan ng nanay namin, ang ligaya sa Spanish ay Alegre,” ayon kay Flordeliza Cruz San Jose, anak ng may-ari ng L’Alegre Shoes, ng tanungin ito kung bakit L'Alegre ang ipinangalan sa kanilang mga gawang sapatos.

Para sa iba pang mga litrato at kaalaman tungkol sa kasaysayan ng footwear industry sa Marikina, bisitahin lamang ang Facebook post ng MASIDO - https://www.facebook.com/pg/marikinashoeindustry/photos/?tab=album&album_id=1927448817568051&__tn__=-UC-R

Share article on: