Bawat Puno, Mahalaga sa Marikina

PIO Department

2019-1-24

Share article on:

Mahalaga ang mga puno para mapanatiling maayos at maaliwalas ang kapaligiran. Nagbibigay lilim ang mga ito sa mga taong naglalakad sa tag-araw at tumutulong upang mapigilan ang pagbaha sa tag-ulan.

Alam ni Mayor Marcy Teodoro ang kahalagahan ng mga puno, lalo na sa pagbabalanse ng urbanisasyon at kalikasan sa kapaligiran.

"Kailangan natin ng lilim nang sa ganoon ay kapag naglakad tayo, maaliwalas at malamig ang ating kapaligiran,” ayon kay Mayor Marcy.

Kaya naman mahigipit ang tagubilin ng Ama ng Lungsod sa Parks and Development Office na puspusan ang pagtatanim ng mga puno tulad ng ficus trees sa mga bangketa ng Lungsod ng Marikina.





Hindi rin sinusukuan ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa utos na rin ni Mayor Marcy ang mga nabuwal na puno ng acacia na mahigit isandaang taon nang nagsisilbi sa mga Marikenyo na matatagpuan malapit sa Shoe Museum sa Brgy. San Roque. Ang mga punong ito ay nabuwal ng isang buhawi noong nakaraang taon.

Makalipas ang apat na buwan mula nang mabuwal ang mga punong ito, lalo na ang tinatawag na Century Tree o  Heritage Tree dahil sa tagal ng panahong naging saksi ito sa kasaysayan ng Marikina, patuloy na sumisibol at lumalaki ang mga bagong tubong sanga sa natumbang punong ito sa tapat ng Shoe Museum.



 

Share article on: