BFP - Marikina Ginawaran ng mga Bagong Sasakyan

PIO Department

2019-3-29

Share article on:

Ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ay buo ang pagsuporta sa Bureau of Fire Protection (BFP) - Marikina.


Batid ni Mayor Marcy na mabilis, mahusay at epektibo ang serbisyong binibigay ng BFP - Marikina sa panahon ng sakuna at bilang tugon at suporta sa Fire Prevention Month na ginagawa tuwing buwan ng Marso, iginawad ng Lokal na Pamahalaan ang tatlong makabagong sasakyan sa mga kawani ng Kagawaran ng Pamatay Sunog noong Martes, Marso 26.






Ang mga bagong service vehicles na ito ay pinagkaloob upang tumaas ang operational capacity ng BFP - Marikina at matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga kawani.


Kabilang sa mga sasakyang ito ay isang fire arson investigation vehicle na magagamit ng mga arson investigators para agaran silang makarating sa pinangyarihan ng sunog. Ang sumunod ay isang fire command vehicle upang maghatid ng mga paraan sa pagresponde at mabilis na makapagdala ng impormasyon sa tuwing may operasyon. At isang special rescue vehicle na gagamitin ng pangkat ng BFP - Marikina.






“Noon, we rely only on fire trucks. Our mobilization is limited kasi malaki ang size ng fire truck. Hindi natin mapasok ang mga makikipot na daan at kalye sa Marikina. Malaking tulong ang pagkakaroon ng mga vehicles na ito para sa BFP,” sabi ni F/SINSP Ronaldo M. Perez, Hepe ng Fire Safety Enforcement Section ng BFP - Marikina.


Sa pamamagitan ng mga makabagong sasakyang tulad nito ay matitiyak na epektibo at mapapabilis pa lalo ang serbisyong hatid ng mga magigiting na bumbero sa lungsod.

Share article on: