CEMO Naglabas ng mga Barangay na Kabilang sa Paghahakot Kuyagot

PIO Department

2019-1-23

Share article on:

Ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ay muling nagpaalala sa mga Marikenyo tungkol sa schedule nang paghahakot ng mga kuyagot sa buong lungsod para sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso.


Ayon sa City Environmental Management Office (CEMO) ng Marikina, ang mga barangay lamang na hahakutan sa araw ng Enero 27, Linggo, ay ang Brgy. Concepcion Uno, Concepcion Dos, Fortune, Parang, Tumana, Nangka at Marikina Heights.



Ginagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ang programang Hakot Kuyagot upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran sa siyudad at maging maaliwalas ang bawat tahanan at pamumuhay ng mga residente.

Kinokolekta ng mga tauhan ng CEMO ang mga hindi na nagagamit na mga kagamitan at kasangkapan sa bahay tulad ng TV, refrigerator, washing machine, kama, sofa, mesa; mga lumang yero, gulong, pinagputulan ng kahoy; at maraming pang iba.


Kung may katanungan, mangyari pong tumawag sa CEMO sa numero (02) 948-1204 o (02) 948-1205.

Share article on: