City Hall Mabusising Nilinis ang Ilog Marikina; Nagtanim ng mga Puno

PIO Department

2018-9-28

by Famela Dahonog

Share article on:


Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ng isang clean-up drive kahapon sa kahabaan ng Ilog Marikina. Kabilang dito ang pagtanggal ng putik at mga nagkalat na debris sa jogging at cycling lanes na dulot pa noong bagyong Ompong.


Nagtanim din ang mga kawani ng City Hall ng mga puno sa hangarin na ang Marikina ay maging ganap na “Disaster Resilient Community”. Ang Marikina City Parks Development Office ay nagtanim ng mga “Fire Trees” (Delonix Regia) sa harap ng Marikina Elementary School kahapon.


Naging abala rin ang lungsod sa paglilinis ng mga public urinals sa tulong ng Traffic Engineering Unit upang hindi mangamoy ang mga ito.


Alinsunod sa patuloy na pag-aayos sa buong bayan ng Marikina, ang mga tauhan ng Office of Public Safety and Security ay binigyan ng aksyon ang mga nakahambalang na tent sa bangketa at agad itong tinanggal upang hindi na muling makaabala sa daraanan ng mga tao at upang maging maaliwalas ang paligid nito.

Ang paglilinis at pag-sasaayos ng Lungsod ng Marikina ay isa sa mga pangunahing programang isinusulong ni Mayor Marcy Teodoro.

Share article on: