City Health Office Agarang Umaksyon Laban sa Tigdas

PIO Department

2019-2-13

Share article on:

Ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ay agarang umaksyon para maproteksiyonan ang mga residente ng Marikina lalo na ang mga bata laban sa tigdas.


Matapos kumpirmahin ng Department of Health na mayroong measles outbreak sa Metro Manila noong isang araw, ang Marikina City Health Office ay agad na naging abala sa pag-aabot ng libreng bakuna kontra tigdas sa mga batang may edad na anim na buwan, pataas.


Simula noong Lunes, Pebrero 11, hanggang Marso 31, 2019, ay maaaring kumuha ng libreng bakuna sa lahat ng health center mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon. Dalhin lamang ang “Baby Book” o immunization record para maayos na mapangasiwaan ng mga tauhan ng health center ang kinakailangang bakuna.





Hinihikayat ni Mayor Marcy ang mga magulang ng mga batang hindi kumpleto sa bakuna na dalhin sa health center ang mga ito upang mabigyan ng libreng bakuna at bitamina bilang proteksyon laban sa tigdas.

 



Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa telepono ng Marikina City Health Office bilang (02) 942-2359.

 


Share article on: