Dagdag Biyaya sa Senior Citizens, Alay ni Mayor Marcy

PIO Department

2018-3-1

Share article on:

Tanda ng kanyang pagpupugay sa mga nagawa at naiambag ng mga senior citizens sa Lungsod ng Marikina, dinagdagan ni Mayor Marcy Teodoro ang mga regalong natatanggap nila tuwing kanilang kaarawan.


Maliban sa cash gift, mayroon na ring basket of groceries na natatanggap ang mga senior citizens sa tuwing birthday nila umpisa sa taong kasalukuyan.




Ayon kay Mayor Marcy, naisipan nyang dagdagan ng groceries tulad ng kape, gatas, spaghetti, mga delata, at iba pa, ang regalo ng mga senior citizens dahil lagi nyang napapansisin na matapos nilang makuha ang kanilang cash gift, diretso ang mga ito sa palengke o kaya sa fastfood at bibili ng pasalubong para sa kanilang mga asawa, anak at apo na naiwan sa bahay.


“Napapansin ko kapag kumukuha ng cash gift ang ating mga senior citizens, masaya sila. Pag-uwi nila, dadaan ng palengke at tindahan, bibili ng kung anuman para may pasalubong sila sa kanilang pamilya, kadalasan mga apo at anak. Para may bitbit,” sabi ni Mayor Marcy.




“Ang konsepto ng “bitbit” ay Pilipinong-Pilipino. Sa tuwing aalis tayo, lagi nating iniisip ang mga naiwan natin sa bahay,” patuloy pa ni Mayor Marcy.


“Kadalasang kasama ng ating mga senior citizens tuwing kukuha ng cash gift sa OSCA (Office of Senior Citizens Affair) ay ang kanilang mga apo at pagkatapos makuha ang pera, sila ay dadaan sa Jollibee para kumain, tapos pag may natira diretso sa palengke upang mamili ng pasalubong,” ayon pa sa ama ng Lungsod ng Marikina.

Share article on: