Dalawang Malalaking Health Centers Pinapatayo sa Sto. Niño at Tañong

PIO Department

2018-8-9

Share article on:

Dahil hangad ni Mayor Marcy Teodoro ang maayos na kalusugan ng mga Marikenyo, nagpapagawa siya ng mas malalaki o mga "super health centers" sa mga komunidad.

Kabilang na rito ay ang dalawang health centers sa Brgy. Sto. Nino at Tañong sa lungsod ng Marikina. Ang mga ito ay mas pinalaki, mas pinaayos at mas moderno upang lalong mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamayang nakatira rito.

“Gusto nating magkaroon tayo ng super health centers imbis na isang health center bawat barangay. Para mas maraming doktor sa isang health center. Nang sa ganoon, kapag nasa labas ang isang doktor, mayroong maiiwan sa health center,” ayon kay Mayor Marcy ng kaniyang pasinayaan ang public health center sa Brgy. Jesus Dela Pena noong Abril sa taong ito.

Nais rin niyang may mga botika na sa mga super health centers at may sariling pharmacists.





Mula ng maupong Ama ng Lungsod si Mayor Marcy dalawang taon na ang nakalipas, nakapagpatayo na siya ng mga health centers katulad ng sa Brgy. Jesus Dela Pena.

Kasalukuyang nagpapatayo rin siya ng health centers sa Industrial Valley Complex na may kasamang Day Care Center at sa Pugad Lawin na may kasama namang Public Safety Center.


Share article on: