Deadline sa Pag-renew ng Business Permits: Enero 21, 2019

PIO Department

2019-1-14

Share article on:

Ang mga negosyante sa Marikina City ay mayroon pang isang linggo o hanggang Enero 21, 2019, upang mag-renew ng kanilang mga business permits at licenses, ayon sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod.

Kapag nag-renew ng mga business permits at licenses lagpas sa deadline, may ipapataw ng mga penalties at surcharges ang BPLO.

“This is the period for renewal of business permits and licenses. From January 1 to 20 is the period for renewal of business permits and licenses without incurring penalties and surcharges. Since January 20 falls on a Sunday, the last day will be on January 21,” ayon kay Atty. Nancy Teylan, ang namumuno ng BPLO Marikina.

Ang mga business permits sa Pilipinas ay may bisa ng isang taon. Ang mga ito ay dapat na ma-renew sa loob ng unang 20 araw ng susunod na taon upang maiwasan ang pagbabayad ng mga penalties.

Mula ng pag-isahin ng BPLO ang mga hakbang upang mag-renew ng nga business permits at licenses, madali nang makuha ngayon ang bagong license at permits. Ayon kay Atty. Teylan, kung kumpleto sa requirements ang mga negosyante, ma-re-renew nila ang kanilang mga business permits sa loob lamang ng 15 minuto.

Kamakailan ay mas lalong pinadali ng BPLO ang pag-renew ng business permits at licenses sa lungsod.

“We have complied with the mandate of RA (Republic Act) 11032, the Ease of Doing Business Act of 2018. We have incorporated the collection of the barangay clearance with the business permit. Kasama na sa billing ang barangay clearance,” ayon kay Atty. Teylan sa isang panayam sa loob ng kaniyang tanggapan.

“Kapag meron ka lahat ng requirements namin, in 15 minutes you can renew your business permits. Tumatagal lang kung ang taxpayer kinu-contest ang assessment on how much business taxes they have to pay,” dagdag pa ni Atty. Teylan.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ay magbibigay rin ng bagong business plates na may bagong disenyo ngayong taon.

“This year, we are changing the business plate because Mayor Marcy Teodoro suggested a new design. We will distribute them to taxpayers once they are ready,” sabi pa ni Atty. Teylan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-renew ng business permits at licenses, tumawag lamang sa BPLO sa numero (02) 646-2354 o kaya ay magsadya sa kanilang tanggapan sa ground floor ng Marikina City Hall. Maaari ring tingnan ang link na ito: https://www.marikina.gov.ph/business/business-permit/#renewal


Share article on: