D’Jobsite at Iba Pang Kompanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-6-3

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang D’Jobsite General Services Inc., Solid Point Manpower, CNT Promo & Ads Specialist at Miescor Builders ay magdadaos ng in-house recruitment ngayong araw ng Lunes hanggang sa susunod na linggo.

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ngayong Lunes, ikatlo ng Hunyo, ang D’Jobsite General Services Inc., ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang D’Jobsite ng forecourt attendant, cashier, at motorcycle rider o reliever cashier.



 

Sa Huwebes, ikaanim ng Hunyo, ang Solid Point Manpower ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay production staff, administrative staff, promodisers, company nurse, logistics messenger, sales merchandiser, graphic artist, accounting executive, accounting staff, driver at waitress.




 

Sa Lunes ng susunod na linggo, ika-10 ng Hunyo, ang Miescor Builders ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang Miescor Builders ng laborer, lineman, light equipment driver na mayroon license restriction codes 1,2, at 3, at heavy equipment driver na mayroon license restriction codes 1,2,3 at 8.



 

Sa Martes ng susunod ding linggo, ika-11 ng Hunyo, ang CNT Promo & Ads Specialist Inc., ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Nangangailangan ang CNT Promo & Ads ng factory workers, merchandisers, sales promoters, warehouseman, utility workers/janitors, store crew, cashier, delivery helper, warehouse technicians, sales representative, drivers at store supervisors.





 

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: