DOH Nagbigay ng mga Gamot sa Marikina

PIO Department

2018-8-14

Share article on:

Personal na tinanggap ni Mayor Marcy Teodoro ang mga gamot mula sa Department of Health (DOH) na hinatid mismo ni DOH Secretary Francisco Duque III kahapon ng umaga sa Malanday Elementary School.

Kabilang sa mga gamot ay doxycycline, amoxicillin at mga multivitamins na makakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.




Ilan sa mga gamot na ito ay makakatulong upang maiwasan din ang pagkakaroon ng leptospirosis, isang sakit na makukuha sa ihi o dumi ng mga hayop tulad ng daga at maaring maipasa sa tao kung siya ay lulusong sa baha na may bukas na sugat.


Share article on: