Elite Jinzai at Iba Pang Kumpanya Magdadaos ng In-house Recruitment Ngayong Linggo

PIO Department

2019-3-20

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Elite Jinzai Marketing Services Inc., Dream Builders International Manpower Corp., SM Homeworld, at SM Supermarket ay magkakaroon ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Miyerkules, Marso 20.

 

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ngayon Miyerkules, Marso 20, ang Elite Jinzai ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Naghahanap ang Elite Jinzai ng retail support services, brand promoter at warehouse helper.



 

Sa mga gustong magtrabaho abroad, ang Dream Builders ay magdadaos ng in-house recruitment ngayong araw ng Miyerkules, Marso 20, sa opisina ng LRPESO mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Ang Dream Builders ay nangangailangan ng domestic helpers, babysitter, instructor, auto electrician, wheel balancer at machine assembler.



 

Sa Huwebes, Marso 21, ang SM Homeworld ay magdadaos ng in-house recruitment sa opisina ng LRPESO mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang SM Homeworld ay naghahanap ng sales clerk, sales utility clerk at stock clerk.



 

Sa Biyernes, Marso 22, ang SM Supermarket ay magkakaroon ng in-house recruitment sa Barangay Hall ng Conepcion Uno mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Ang SM Supermarket ay nangangailangan ng customer assistant, receiving clerk, cashier/sales clerk at bagger.



 

Kaya sa mga wala pang trabaho diyan, o kaya ay naghahanap ng ibang mapapasukan, dumulog na sa mga nasabing lugar sa Marikina at ihanda ang inyong resumé, ballpen, at mga ID pictures. Malay ninyo, nandito na ang inaasam ninyong trabaho.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: