Elite Jinzai at Iba Pang Kumpanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-4-25

Share article on:

Magandang balita para sa mga Marikenyong nais magkaroon ng trabaho.

 

Ang Elite Jinzai Marketing Services, Dames International Corp., Manpower Outsourcing Services, at Asiawide ay magdadaos ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Huwebes, Abril 25.

 

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ngayong Huwebes, Abril 25, ang Elite Jinzai ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Elite Jinzai ng retail support services at warehouse helper.



 

Sa Lunes ng susunod na linggo, Abril 29, ang Dames International ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay marketing officer/account executive, mechanical engineer, industrial engineer, human resource/administrative assistant/office staff, sales representatives/sales associates, accounting staff, cashier, promdisers at purchasing staff.




 

Sa Martes ng susunod na linggo, Abril 30, ang Manpower Outsourcing ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang Manpower Outsourcing ng information technology support, mechanical operator/machinist, production staff, electrician, forklift operator, driver at helper.



 

Sa Huwebes ng susunod na linggo, Mayo 2, ang Asiawide ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa opisina ng LRPESO. Nangangailangan ang Asiawide ng office staff, registered nurse, sales associate, promodiser at driver.




Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: