Emerald Garment May Job Fair sa Hunyo 19 sa Marikina Sports Center

PIO Department

2018-6-18

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, may gaganaping job fair ang Emerald Garment Manufacturing Corp. sa Hunyo 19, Martes, sa Marikina Sports Center.

Ang job fair ay mag-uumpisa ng 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa second floor ng sports center sa Brgy. Sta. Elena.


Ang pagkakaloob ng trabaho sa mga Marikenyo ay isa sa mga programang itinataguyod ni Mayor Marcy Teodoro. Kaugnay nito, nais ng kaniyang administrasyon na maraming mamumuhunan ang magtayo ng mga negosyo sa Marikina.

Para sa mga katanungan tungkol sa job fair, tumawag sa Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) ng Marikina sa numerong ito: (02) 681-9277.

Share article on: