Ever Bilena at Covent Garden Magdadaos ng In-house Recruitment Ngayong Setyembre

PIO Department

2019-9-19

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Covent Garden Inc. at Ever Bilena ay magdadaos ng in-house recruitment sa Lunes ng susunod na linggo, Setyembre 23 at Biyernes, Setyembre 27.

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ngayon Lunes, ika-23 ng Setyembre, ang Covent Garden Inc. ay magkakaroon ng in-house recruitment na gaganapin mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay operations assistants/inventory audit staff, sales coordinator/representative, production encoder, production staff, store sales personnel, merchandiser/promodiser, 10-wheeler driver, sewer, sales and operations manager, fashion designers, visual merchandisers, graphic artist, sales supervisor, logistics coordinator, marketing specialist, merchandising assistant, human resource assistant, recruitment specialist, accounting staff at senior accounting specialist.




Sa ika-27 ng Setyembre, Biyernes, ang Ever Bilena ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Nangangailangan ang Ever Bilena ng regional sales manager, logistics supervisors, key accounts specialist, programmer, compensation and benefits associate, messenger, beauty consultant, at driver o helper.




 

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: