GCCS and Associates Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-1-11

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang GCCS and Associates Corp. ay magkakaroon ng in-house recruitment sa lungsod sa Enero 22.


Naghahanap ang GCCS ng call center agent, office staff/salesman, field repossessor, at messenger.




Ang in-house recruitment ay gaganapin sa Enero 22, Martes, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: