Gobyernong Maasahan Muling Pinatuyan ni Mayor Marcy

PIO Department

2019-1-10

Share article on:

Muling pinatunayan ni Mayor Marcy Teodoro at ng kaniyang administrasyon na may gobyernong maaasahan ang mga Marikenyo.


Kabilang dito ang mabilis na pag-aksyon ng mga tauhan ng Engineering Department ng City Hall sa text message na mula sa isang nagmamalasakit na Marikenyo na humingi ng tulong na ipaayos ang takip ng drainage sa E. Dela Paz St., Brgy. San Roque.






Mahigpit na ipinagbilin ni Mayor Marcy sa mga kawani ng City Hall ang pagpapanatili ng kaayusan sa buong lungsod, kaniyang na ang madaliang pag-ayos ng mga nasirang takip ng mga drainages na maaaring maging sanhi ng disgrasya sa mga taong dumaraan.


Isa rin sa mga hangarin ni Mayor Marcy ang magkaroon ng kultura ng pagmamalasakit sa kapwa ang bawat Marikenyo.

Share article on: