Gobyernong Maasahan, Pinatunayan ni Mayor Marcy

PIO Department

2018-6-7

Share article on:

Simula ng maupo si Mayor Marcy Teodoro bilang pinuno ng Lungsod ng Marikina, pinatunayan ng kaniyang administrasyon na may Gobyernong Maasahan ang mga Marikenyo.

Sa halos dalawang taong niyang panunungkulan, abalang-abala ang mga kawani ng City Hall katulad ng Engineering Department, sa pamumuno ni Engr. Ken Sueno at ng School Repair and Maintenance Group sa ilalim ni Ray Aquino, sa pag-aayos ng mga kalye at paaralan sa Marikina.

Nitong nakaraang araw lamang, ilan sa mga ginawa ng City Hall ay: ang curb and gutter improvement sa Horizon Street sa Concepcion Dos, ang school building improvement sa Concepcion Elementary School, ang inlet improvements sa Dao Street sa Marikina Heights at sa Sunrise at Sapphire Streets sa Concepcion Dos at ang road improvement sa Aquilina Street sa Santo Niño.

Tumugon din sila sa mga text messages ng mga nagmamalasakit na Marikenyo sa mga dapat gawin sa kani-kanilang komunidad. Kabilang sa mga ito ay: ang sidewalk  improvement at street lighting sa Magat Salamat Street sa Concepcion Dos, at pag-aayos ng waiting shed sa Bonanza Fotune. Inasikaso rin nila ang pag-aayos ng sidewalk sa mga lugar ng: Paraiso Street sa Fortune, Sapphire Street sa Concepcion Dos, Crest Street sa Hacienda Heights Concepcion Dos, at sa Dao Street sa Marikina Heights.






Footbridges

Nagpapagawa rin ang City Hall ng mga footbridges sa mga komunidad upang gawing ligtas ang mga naninirahan sa mga lugar na malapit sa ilog lalo na sa panahon ng tag-ulan. Kamakailan ay inumpisahan ng gawin ang footbridge sa Palay Street sa Tumana matapos makiusap ang mga naninirahan doon kay Mayor Marcy.


Matatandaang natapos na ang pinagawang footbridge ni Mayor  Marcy sa pagitan ng Tumana at Concepcion Integrated School (CIS). Ang CIS-Tumana footbridge ay mahalaga upang maging ligtas ang mga mag-aaral sa pagpasok sa eskwela. Napapabilis din ng footbridge ang pagpasok at paglabas mula sa CIS ng mga mag-aaral.

Ang pagpapagawa ng mga footbridge at mga kalye ay umani ng papuri mula sa mga netizen ng Marikina.

Narito ang mga mensahe ng mga Marikenyo sa Facebook page ng PIO:

“Maraming salamat po sa Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa paggabay ni Mayor Marcy kasama ang mga elected officials at mga masisipag na empleyado. Ganyan sa Marikina! Work lang ng work at build lang ng build,” ayon kay Jazz Pher Justo.

“Huwag pansinin ang mga panay puna at negatibong tao. Mabuhay po kayo!” dagdag pa ni Justo.


“Ganda naman. Very proud (of) what is being done in Marikina. Sana lang alagaan at hindi pabayaan,” ayon naman kay Junvy Dang Lozano, na tumutukoy sa CIS-Tumana footbridge.

“How safe and beautiful. Good work,” sabi ni Tessie Dimagmaliw tungkol rin sa naturang footbridge.

 

Share article on: