Halos 200 na Kompanya Accredited ng LRPESO Para Magbigay Trabaho sa Marikenyo

PIO Department

2018-8-7

Share article on:

Ang Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) ng City Hall ay may halos 200 na kumpanya na accredited upang sumali sa mga job fairs ng siyudad para mapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga kwalipikadong Marikenyo.

Ayon sa datos ng LRPESO, 136 sa mga kumpanyang ito ay matatagpuan sa labas ng Marikina habang 53 naman ay nasa Marikina mismo. Kabilang sa mga ito ay ang malalaking retail at mall companies, BPOs at mga property developers katulad ng SM, Robinson’s, DM Consunji, BF Corporation, Convergy’s, Puregold-Marikina, at iba pa.

Ang pagkakaroon ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ay isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Ito ang dahilan kaya hinikayat niya ang mga negosyante at mamumuhunan na magtayo ng mga negosyo sa Marikina. Ilan sa mga hakbang na ginagawa ni Mayor upang maengganyo ang mga negosyante ay ang pag-aayos ng mga imprastruktura tulad ng pagpapagawa ng mga kalye at tulay, pagpapanatili ng peace and order, at iba pa.


Regular na nagsasagawa ng job fairs at in-house recruitment ang mga accredited companies ng LRPESO sa Marikina mismo.

Ngayong buwan ng Agosto, ilan sa mga kompanyang magdadaos ng in-house recruitment sa Marikina sa tanggapan mismo ng LRPESO ay ang GCCS & Associates Corp. na naghahanap ng mga office staff, call center agents, at iba pa. Gagawin ito ngayong Agosto 14, 9:00 ng umaga hanggang 12 ng tanghali sa 2/F Public Service Center, Sta. Elena, Marikina City.


Sa Agosto 9, ang Elite Jinzai Marketing Service naman ang magdadaos ng in-house recruitment para sa mga retail support services, brand promoters, warehouse keepers. Ito at gagawin mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina rin ng LRPESO.


Para sa karagdagang impormasyon, magsadya lamang sa tanggapan ng LRPESO sa 2/F Public Service Center, Brgy. Sta. Elena sa Lungsod ng Marikina malapit sa City Hall. Maari ring tumawag sa (02) 681-92-77 o kaya ay puntahan ang kanilang Facebook page -- https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: